Nung nasa 9th week pa ako ng GCT sa GCMA sa EPER, gumawa ako ng list of things that I've learned.
1. importante ang RESPETO. kung wala ka nito, magkakaroon ka ng "kaaway". and it's bad...
2. kapag seryoso na, magseryoso na. di sa lahat ng pagkakataon ay puro biruan.
3. kung hindi sa'yo, wag mong angkinin.. darating ang tao/pagkakataon na para talaga sayo. wag mo ipilit kung ayaw.
4. dapat, marunong ka MAKISAMA. di yung lagi mong ina-isolate ang sarili mo. saka, matutong sakyan ang mga biro nila... mami-miss mo yan sa future <lalo na kung magkakahiwalay kayo ng landas>
5. dapat marunong kang UMUNAWA. lalo na sa mga taong di na alam ang kanilang sinasabi.
6. di ka dapat MAYABANG. nagkakamali ka rin. i-correct mo muna ang mga mali mo bago mo i-correct ang mali ng iba. saka, pag itinama ka, tanggapin mo. wag ka na mag-inarte.
7. learn to adhere sa mga house rules. or else, delikado ka.
8. always remember your PRIORITY. nag-training ka para magka-trabaho, hindi para lumandi. <NOTE TO MYSELF>.. di ko pa panahon...
9. CHANGE IS CONSTANT. di palaging same ang routines araw-araw. at hindi mo mapipili ang taong makakasama mo at ang schedule ninyo...
10. Redeem yourself. di porket nagkamali ka ay yun na yun. give yourself a chance na maitama ang mali.
11. give yourself a break, BUT not too much. ok lang magpahinga, pero know your limits.
12. think before you speak. kasama yan sa pagkakaroon ng RESPETO at PAKIKISAMA.
13. BE CONFIDENT!!! di ka magkakaroon ng chance kung lagi kang kinakabahan at nag-aalinlangan.
and last, but not the least,
14. GOD HELPS THOSE WHO HELP THEMSELVES. kahit anong gawin mo, kung di ka nagp-pray, wala rin. saka kung pray ka lng ng pray pero wala kang ginagawa para tulungan ang sarili mo, wala ring saysay yun.
I don't think na na-apply ko ito nung nasa TeleTech ako...
#JustSharing