I'm kinda back sa blog site ko. Matagal na rin nung huli akong gumawa ng entry.
I admit na namiss ko magbahagi ng kung ano man ang dapat na ibahagi dito. Kahit pa project lang ito noong college, mas gusto kong manatiling buhay at updated itong blog ko.
Anong bago sa akin?
Una, ako ngayon ay isang babysitter. July last year ako nagstart. Nararanasan ko ang hirap ng pag aalaga ng bata kahit wala pa akong anak. Naisip ko na lang na training ito sa akin kung saka-sakaling bibigyan ako ng anak (syempre pag nagka asawa na ako sa future).
Pangalawa, totoong pinalaya ko na ang sarili ko sa obsession na dapat ay matagal ko nang ginawa. Maluwag na ang kalooban ko kasi na let go ko na yung dapat pakawalan. Sorry at matagal pa akong nagkulong sa "preso" na di naman talaga dapat. Sana maging masaya siya kahit strangers na kami sa isa't isa...
Pangatlo, last year din dumating ito. Di ko pwedeng sabihin kung ano yun, pero masaya ako. Tinuruan ako nito ng acceptance sa sarili at sa iba. Ito na ang nagpapasaya sa akin hanggang ngayon (at sana hanggang sa pagtanda ko na). Sabi nga ni Ely sa Ang Huling El Bimbo, "...tinuruan mo ang puso ko na [umibig] nang tunay..." (basta tinuruan lang ako). Tinuruan akong maging mapag pasensya, maaruga, maunawain at mapagmahal. Ayoko na itong pakawalan kasi isang malaking katangahan kung gagawin ko iyon.
Ayan na lang muna. Marami pa namang pagkakataon para magbahagi ako ng somethings dito sa blog site ko.
P.s. kapag nakapag open ako sa PC, tuluyan ko nang buburahin dito sa blog yung alaala ng tinutukoy ko sa pangalawang random thought ko..