Thursday, May 24, 2018

You are not alone

Nasa point ako ngayon na ang pakiramdam ko ay napaka weak kong tao. Yung ok lang mapag-iwanan kahit yung iba ay moving forward.

Pumapasok uli sa isip ko yung suicidal thoughts (naiisip ko na yan noon nung nasa high school pa ako) dahil lahat na lang ng negative things ang naiisip ko. Napapagod din naman kasi ako sa pagiging tambay at pagiging babysitter kaya kung ano-ano ang pumapasok sa isip ko.


Sabi nga nila, "...kalimutan mo na yan..." (LSS lang sa Hayaan Mo Sila ng Ex-Battalion), makaka move on ka rin. Madaling sabihin pero mahirap gawin.

Oo, mahirap gawin kapag nag-iisa ka. Magiging madali yan kapag merong mga tutulong sayo (family, friends, special someone) na magpapa-alala sayo na hindi ka naman talaga nag-iisa. At lalong hindi ka nag-iisa dahil lagi namang nandiyan ang Diyos, hinihintay ka lang Niya na manalangin at humingi ng tulong sa Kaniya.

Syempre, help yourself din naman. Naka suporta lang sila pero nasa sayo pa rin dapat ang initiative na mag move on at magbago. Sabi nga nila, God helps those who help themselves. Kung di mo sisimulan, edi wala talagang mangyayari at di ka matutulungan na mag move forward sa buhay.

Magsisimula pa lang ako bumangon sa pagkakalugmok sa kalungkutan. Alam ko kasi na hindi ako nag-iisa. Pina-realize sakin ng best friend ko na si Pau Encinares na dapat simulan ko na ang pagbabago ng mindset ko, para na rin di ako nakakasakit ng damdamin ng mga taong nakapaligid sakin at lalong di ko masaktan ang sarili kong damdamin.

Isa pa sa paghuhugutan ko ng lakas ay yung na-mention ko sa isa kong entry noong february. Di ko pa rin pwedeng i-specify kasi ayokong mawala yun sakin (tanga din kasi ako at maraming beses ko nang pinakawalan, buti nakakabalik sakin) at baka pag napakawalan ko uli ay tuluyan nang mawala sa akin.

At sana ay araw-arawin ko rin ang pananalangin para naman humingi ng tulong at gabay sa pagbabago ko.



Di ako makapagpahinga nang maayos ngayong hapon dahil sa random thoughts na yan. I hope mabawasan na yun dahil naisulat ko na dito yung ilan sa mga bumabagabag sa isip ko.

Friday, February 23, 2018

Pentatonix (The most awesome Acapella group)

PTX Wiki page      PTX official website     PTX YouTube channel

Short overview from Wikipedia:

Pentatonix (abbreviated PTX) is an American a cappella group from Arlington, Texas, consisting of vocalists Scott Hoying, Mitch Grassi, Kirstin MaldonadoKevin Olusola and Matt Sallee. Avi Kaplan was formerly a member of the group; he was replaced by Sallee in 2017. Characterized by their pop-style arrangements with vocal harmonies, basslinesriffingpercussion and beatboxing, they are widely known for their covers, mostly of modern pop works or Christmas songs, sometimes in the form of medleys, along with original material. Pentatonix formed in 2011 and subsequently won the third season of NBC's The Sing-Off,receiving $200,000 and a recording contract with Sony Music. When Sony's Epic Records dropped the group after The Sing-Off, the group formed its YouTube channel, distributing its music through Madison Gate Records, a label owned by Sony Pictures. With over 13 million subscribers and 2.7 billion views, Pentatonix's YouTube channel is currently the 50th most-subscribed-to YouTube channel. The group's video tribute to Daft Punk had received over 250 million views as of mid 2017.

(masakit sa akin na hindi na si Avi ang bassist nila) (Yung Daft Punk medley ang una kong napanood sa kanila, si Avi ay napaka pogi sa video at sa kanya ako unang na-amaze)


Okay, bakit ko sila isinama sa blog site ko?

Gusto kong ibahagi sa inyo ang tumulong sa akin para mabawasan yung obsession ko sa maling tao. Sila ang kinahihiligan kong pakinggan simula nung na-discover ko sila noong 2015. Well, tatlo sila: PTX, David Archuleta at ang Daft Punk. Nadagdag ang Superfruit (Scott and Mitch from PTX) nung nilabas ang album nila na Future Friends.



Ito ang pinaka-unang napanood ko sa Pentatonix, ang Daft Punk medley :



Ang kantang ito ay nagmula sa PTX, Vol. II, na siyang naging inspirasyon sa tattoo ko ngayon:



Ang kantang Coldest Winter (original was sung by Kanye West) naman ang naging hugot song ko dahil sa lyrics na: "Goodbye my friend I won't ever love again."




Nakasama din ang Pentatonix sa Pitch Perfect 2. Sila yung Canadian group.

Image result for ptx on pitch perfect 2


Hanggang dito na lang muna.. Hinihintay ko pa yung YouTube release ng bago nilang cover na Havana.

Thursday, February 1, 2018

Random thoughts

I'm kinda back sa blog site ko. Matagal na rin nung huli akong gumawa ng entry.


I admit na namiss ko magbahagi ng kung ano man ang dapat na ibahagi dito. Kahit pa project lang ito noong college, mas gusto kong manatiling buhay at updated itong blog ko.


Anong bago sa akin?

Una, ako ngayon ay isang babysitter. July last year ako nagstart. Nararanasan ko ang hirap ng pag aalaga ng bata kahit wala pa akong anak. Naisip ko na lang na training ito sa akin kung saka-sakaling bibigyan ako ng anak (syempre pag nagka asawa na ako sa future).

Pangalawa, totoong pinalaya ko na ang sarili ko sa obsession na dapat ay matagal ko nang ginawa. Maluwag na ang kalooban ko kasi na let go ko na yung dapat pakawalan. Sorry at matagal pa akong nagkulong sa "preso" na di naman talaga dapat. Sana maging masaya siya kahit strangers na kami sa isa't isa...

Pangatlo, last year din dumating ito. Di ko pwedeng sabihin kung ano yun, pero masaya ako. Tinuruan ako nito ng acceptance sa sarili at sa iba. Ito na ang nagpapasaya sa akin hanggang ngayon (at sana hanggang sa pagtanda ko na). Sabi nga ni Ely sa Ang Huling El Bimbo, "...tinuruan mo ang puso ko na [umibig] nang tunay..." (basta tinuruan lang ako). Tinuruan akong maging mapag pasensya, maaruga, maunawain at mapagmahal. Ayoko na itong pakawalan kasi isang malaking katangahan kung gagawin ko iyon.



Ayan na lang muna. Marami pa namang pagkakataon para magbahagi ako ng somethings dito sa blog site ko.



P.s. kapag nakapag open ako sa PC, tuluyan ko nang buburahin dito sa blog yung alaala ng tinutukoy ko sa pangalawang random thought ko..