Nasa point ako ngayon na ang pakiramdam ko ay napaka weak kong tao. Yung ok lang mapag-iwanan kahit yung iba ay moving forward.
Pumapasok uli sa isip ko yung suicidal thoughts (naiisip ko na yan noon nung nasa high school pa ako) dahil lahat na lang ng negative things ang naiisip ko. Napapagod din naman kasi ako sa pagiging tambay at pagiging babysitter kaya kung ano-ano ang pumapasok sa isip ko.
Sabi nga nila, "...kalimutan mo na yan..." (LSS lang sa Hayaan Mo Sila ng Ex-Battalion), makaka move on ka rin. Madaling sabihin pero mahirap gawin.
Oo, mahirap gawin kapag nag-iisa ka. Magiging madali yan kapag merong mga tutulong sayo (family, friends, special someone) na magpapa-alala sayo na hindi ka naman talaga nag-iisa. At lalong hindi ka nag-iisa dahil lagi namang nandiyan ang Diyos, hinihintay ka lang Niya na manalangin at humingi ng tulong sa Kaniya.
Syempre, help yourself din naman. Naka suporta lang sila pero nasa sayo pa rin dapat ang initiative na mag move on at magbago. Sabi nga nila, God helps those who help themselves. Kung di mo sisimulan, edi wala talagang mangyayari at di ka matutulungan na mag move forward sa buhay.
Magsisimula pa lang ako bumangon sa pagkakalugmok sa kalungkutan. Alam ko kasi na hindi ako nag-iisa. Pina-realize sakin ng best friend ko na si Pau Encinares na dapat simulan ko na ang pagbabago ng mindset ko, para na rin di ako nakakasakit ng damdamin ng mga taong nakapaligid sakin at lalong di ko masaktan ang sarili kong damdamin.
Isa pa sa paghuhugutan ko ng lakas ay yung na-mention ko sa isa kong entry noong february. Di ko pa rin pwedeng i-specify kasi ayokong mawala yun sakin (tanga din kasi ako at maraming beses ko nang pinakawalan, buti nakakabalik sakin) at baka pag napakawalan ko uli ay tuluyan nang mawala sa akin.
At sana ay araw-arawin ko rin ang pananalangin para naman humingi ng tulong at gabay sa pagbabago ko.
Di ako makapagpahinga nang maayos ngayong hapon dahil sa random thoughts na yan. I hope mabawasan na yun dahil naisulat ko na dito yung ilan sa mga bumabagabag sa isip ko.