Wednesday, August 28, 2013

Burol

Ano nga ba ang tunay na purpose sa pagpunta sa isang Burol ng namatay na kakilala? Para ba alalahanin ang mga panahon na kasama nyo pa siya? o para lamang makita ang mga kaibigan at magkwentuhan? o para lang mag-sugal?



Kung ako lang ang tatanungin, ayoko ng burol. Hindi naman alam ng taong namatay na pinuntahan/dinalaw mo sya... dahil nga patay na siya.



Kapag namatay ako, kung pwede sana, wala nang burol. Gusto ko ilibing agad-agad. Di ko rin naman alam kung sino-sino ang pupunta...(lalong hindi ko ma-e-enjoy kung sakaling pupunta man ang Eraserheads sa burol ko kasi patay na nga ako...) At para rin walang oras na nasasayang.... Kumbaga, LIFE MOVES ON WITHOUT ME...

Opinyon ko lang naman ito... kung nais nyong linawin ang pananaw ko, mag-comment kayo dito...